Personal Wednesday Vexel Traditional Commission Other works Digital
Magpapakatanga nanaman ba ako? Eto nanaman ako bumabalik, magpapakatanga. Ilang beses ko na nga bang narinig sa’yo na magbabago ka na? Na ka ilang ulit na ba natin sinubukang magbalikan at magtagal? Ilang beses narin ba akong nasaktan? Sa sobrang dami hindi ko na mabilang.
Lagi naman tayong ganito eh. Maglalambingan sa umpisa, tampuhan araw-araw, away, selos — hangang sa walang magpapansinan pero pagkatapos ng ilang buwan anjan ka nanaman; bumabalik. Sa apat na taon na ng tayo’y magkakilala, may nagbago na ba sa’tin? Nag-“mature” na ba tayo? Siguro hindi pa dahil sa bawat ulit natin, sa bawat ikot ng siklo eh bumabagsak ulit tayo sa umpisa.
Paulit-ulit lang pero bakit hanggang ngayon di parin tayo nagsasawa? Kahit ilang beses ko nang sinabi at nabasa ang mga salitang “sawa na ko! ayoko na” sa ating dalawa paulit-ulit parin tayo. Hindi yata lilipas ang isang taon nang di natin sinusubukang magbalikan.
Ganoon ba ako katanga? Na paulit-ulit ako na nadadapa sa iisang lugar, di na natuto.